Advertisers

Advertisers

Higit 4.7-M Pinoy fully vaccinated na vs COVID-19

0 397

Advertisers

UMABOT na sa mahigit 4.7 million katao ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque na 15,096,261 doses ng COVID-19 vaccines na ang naituturok sa mga Pilipino, kabilang na ang 10,388,188 first doses at 4,708,073 second shots.

Inanunsyo ito ni Roque sabay sabi na may darating na karagdagang COVID-19 vaccines sa bansa sa mga susunod na araw.



Nabatid na nasa 562,770 Pfizer vaccines na binili ng pamahalaan ang darating sa bansa sa Hulyo 21.

Sa ngayon, 27.8 million doses na ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas, kabilang na ang 3.2 million Johnson & Johnson jabs na bigay ng United States sa pamamagitan ng COVAX facility.

Kabilang sa mga dumating kamakailan ang 1.5 million doses na binili mula sa Sinovac ng China at 1.1 million jabs naman na binili ng private sector at local government units mula sa AstraZeneca.

Matatandaan na ang orihinal na target ng pamahalaan ay mabakunahan ang nasa 70 million katao para makamit ang herd immunity bago pa man matapos ang taon.

Pero dahil sa limitadong suplly ng bakuna, bahagyang binago ng pamahalaan ang kanilang short-term target para makamit ang “population protection” o nasa 50 percent ng populasyon ng Metro Manila at iba pang high risk areas bago matapos ang 2021.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">