Advertisers

Advertisers

DOJ Sec. Guevarra: VP ‘di immune sa anumang kaso

0 267

Advertisers

NANINDIGAN si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na walang immunity sa anumang kaso ang nakaupong Bise Presidente.

Inihalintulad rito ni Guevarra ang naging statement niya noong 2019 kung saan nakasaad na hindi immune si Vice President Leni Robredo sa anumang mga kaso batay na rin sa nakasaad sa Saligang Batas.

Matatandaan na noong taon na iyon si Robredo ay inireklamo dahil sa umano’y papel nito sa sinasabing ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.



Bagama’t ang reklamo laban kay Robredo ay ibinasura rin naman ng DOJ noong nakalipas na taon dahil sa kulang ang ebidensya laban sa bise presidente.

Binigyan-diin naman ni Guevarra na ang pahayag niyang ito ay hindi sagot sa naging pahayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado kung saan sinabi niya na tatakbo siya sa pagka-Vice President sa 2022 election para makaiwas sa anumang criminal prosecution sa oras na bumaba siya sa puwesto. (Josephine Patricio)