Advertisers
NAGKASA ng ‘Operation Greyhound’ ang Manila Police District (MPD) Station-13 sa mismong detention cell nito sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
Ayon kay MPD Station-13 Commander, Lt. Col. Robert Domingo, ang naturang operasyon ay upang masigurong walang anumang kontrabando na makakapasok sa kanilang kulungan.
Ilan sa mga nakumpiskang gamit ay mga relo, plastic spoon, toothbrush, ballpen, bluetooth speaker at iba pa. Nasa 105 inmates ang nananatili sa detention cell ng MPD Station-13 – 80 dito mga lalaki at 25 babae.
Ito ang ikatlong araw na nagkasa ng ‘Oplan Greyhound’ ang MPD. Naunang nainspeksyon ang Station 1, 3, 9 at 11. (Nan Ramos)