Advertisers

Advertisers

8 PULIS NAMEKE NG SWAB TEST, LAGOT!

0 440

Advertisers

PINAKAKASUHAN ni Philippine National Police Chief, General Guillermo Eleazar, ng administratibo ang walong pulis ng Bangsamoro Autonomous Region sa pamemeke ng kanilang swab test sa pagpasok sa Zambaonga City.

“Tayo ang tagapagpatupad ng batas kaya’t nararapat lang na tayo ang nangunguna sa pagsunod sa mga quarantine protocols na inilalabas ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya,” ayon kay Eleazar. “We have zero tolerance for this kind of shameful and unscrupulous act. Hindi natin palalagpasin ito. I am directing the PRO-BAR to look into this and lodge criminal as well as administrative charges against these PNP personnel.”

Sa report, nagpresenta ang walong pulis na hindi muna pinangalanan na galing ng Isabela at Lamitan, Basilan ng negatibong RT PCR test nang dumating ang mga ito sa Zamboanga City noong July 5.



Sakay ang nasabing mga pulis sa MV Cassey Beatrise at MV Crystal Jane nang sitahin ng local health officials sa Zamboanga port. Sa beripikasyon, natuklasan na pawang peke ang resulta ng kanilang Covid-19 test.

Pinagmulta, isinailalim at kinuhanan ng swab test ang mga nasabing pulis bago pinabalik sa kanilang port of origin.

Nahaharap ang walong pulis sa paglabag sa Section 9, Paragraph B (Tampering of records or intentionally providing misinformation) of Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sinabi ni Eleazar na ang nasabing insidente ay magsilbing paalala at babala sa lahat ng pulis. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">