Advertisers
Pumanaw na ang ika-15 pangulo ng Pilipinas na si former President Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa edad na 61.
Dinala ito sa Capitol Medical Center madaling-araw ng Hunyo 24 ng kanyang mga kasambahay matapos umanong di magising ang dating pangulo para painumin ng gamot.
Ayon sa bunsong kapatid ni PNoy na si Kris Aquino,literally his Kuya Noy died in peace while sleeping.
Hindi na natin tatalakayin pa ang angulo ng pulitika sa buhay ng dating Pangulo dahil sigurado tayong natalakay o tatalakayin na rin ito ng mga kabaro nating sa media.
Pahapyaw na lamang natin daanan ang tila may kalungkutang parte ng buhay ni PNoy matapos na bumaba ito sa poder noong 2016.
Nag-iisa lamang na namumuhay si Noynoy kasama ang ilang kasambahay at ilang bodyguards sa Times street,Quezon City.
Ito ang ancestral home ng mga Aquino
Magmula nga ng matapos ang termino nito,naging private citizen na talaga si Noynoy at bihirang dumalo sa mga social gatherings kahit pa man sa mga pribadong okasyon.
Marahil ay sadyang itinago ng mga Aquinos ang tunay na estado ng kalusugan ng dating pangulo.
Sa napakadalang ng media appearance nito ( once or twice) nga lamang ba,kapansin-pansin talaga ang pagbagsak ng katawan ng dating pangulo.
Bukod sa iniindang karamdaman,suspetsa natin,stress factor ang isa sa mga gumupo sa kalusugan ni PNoy.
It’s really lonely up there lalo na kung mula sa rurok ng kasikatan at sentro ng pambansa at worldwide spotlights ay magigising ka sa isang tahimik at malungkot na silid na nag-iisa.
Nabigla marahil ang dating Pangulo sa sudden change ng kanyang buhay,lifestyle at routines.
Biruin mo namam, mula sa isang hectic daily busy schedules to idle times na wala kang ginagawa at inaasahang gawin.
Worst,andyan pa ang pandemic na nagconfined kay Noynoy in the comfort of his home.
Mahirap talaga ang pinagdaanang transition ni PNoy.
From being the top man and the most busiest individual ng bansa,bigla kang masasadlak sa solitude nursing alone some illnesses.
May mga kaibigan at mga subordonates na nakakaalala pero gaano ba kadalas ‘yun?
Walang maybahay at mga anak si PNoy nang pumanaw sa mundong ito.
Just imagine kung gaano kahirap ang ganitong sitwasyon lalo sa gitna ng isang lingering illness.
Boredom kills ika nga.Solitude or being alone is more harder.
Rest in peace Mr.President
As your sisters said,MISSION ACCOMPLISHED!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com