Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ISANG ina na may apat na anak, may adbokasiya sa women empowerment at isang pilantropo, si Rina Navarro ay isa ring movie producer. Siya ang producer ng 2014 film na Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbidahan ni Robin Padilla.
Dati rin siyang AVP ng Viva Communications at sa kasalukuyan naman ay abala si Rina bilang founder at CEO ng kanyang business venture, ang Unfiltered Skin Essentials.
Ano ba ang Unfiltered Skin Essentials?
“Unfiltered Skin Essentials, we are in the industry of skin care and wellness. “We launched late last year, around December. I started it with my friends, puro girls kami, and it is by direct-selling and most of the products that we are developing and that we developed are kumbaga, we developed them from scratch.
“They were developed in a reputable laboratory, and dun nagsimula lahat, that’s Unfiltered skin care.”
Ano ang mga produkto ng Unfiltered Skin Essentials?
“We launched with our first product, it’s called the No Filter kit.
“It is a complete skin care set wherein everything, like all the concerns of women and men for their skin is being addressed by this one.
“Kumbaga, this is the kit that you need, wala ng iba. I am a big hoarder and I test a lot of skincare products and they’re very pricey, expensive siya, and I realized that you know, you can actually put all of those in a bottle.”
Ang iba pang produkto ng Unfiltered ay ang Ucleanse Revitalizing Facial Soap,Urenew Pore Minimizing Toner, Uglow Luminiscence Serum, Urepair Whitenig Day Cream at ang Urecover night cream.
“We are coming up with more, next month,” sinabi pa ni Rina.
Available online ang Unfiltered Skin Essentails sa Instagram (@unfilteredskin_main), Viber (+639563010059), at Facebook (Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry).
At para sa mga interesado sa mga produkto ng Unfiltered Skin Essentials at sa mga nais maging bahagi ng kumpanya, mag-log-on sa kanilang Facebook account (Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry) at their Instagram account (@Unfiltered_Main and @unfilteredskininc).
Samantala, ang I Am Hope foundation ay itinatag ng magkaibigang sina Rina at Bea Alonzo nitong kauumpisa lamang ng pandemya ng COVID-19 nitong 2020.
“Actually, Bea and I, naging friends kami nung 2020 nga. Marami kaming plans, sobrang dami naming gustong gawin together.
“We have a lot of plans for business, negosyante rin kasi si Bea, if you know about that side of her. And when we forged our friendship and our business plans together, alam nyo after one week biglang nag-lockdown na sa, unang alam ko sa San Juan, tapos may pandemic na.
“And then I told Bea, ‘Bea anong gagawin natin?’
“And then there’s a certain, you know like, on my end, since I’m a businesswoman, there’s actually an amount that I have that I was intending to use for marketing.
“And siyempre di ba pag marketing namimigay ka rin naman, nag-i-introduce ka ng products, so I told Bea, ‘Bea okay lang ba sa ‘yo since wala pa tayong puwedeng maging projects, walang makakaintindi ng gagawin natin na timely and relevant, tulong muna tayo sa mga frontliners.’
“And she immediately said yes, and when we posted it, in a few months, wala pang two months we were able to raise about thirteen million pesos in cash and in kind.
“And we never stop until now. That’s how I Am Hope started.”
***
MAGTATAPATAN ang dalawang Kapuso beauties na sina Shaira Diaz at Myrtle Sarrosa kasama ang kanilang parents sa episode ngayong Linggo, June 27, ng all-original comedy game show na Game of the Gens.
Magwagi kaya ang cosplayer/actress na si Myrtle at kanyang Daddy Russ sa pagsagot ng mga trivia laban sa kapwa cosplayer/actress niyang si Shaira at kanyang Mommy Liza?
Isa na nga ba kina Myrtle o Shaira ang hinihintay ng hosts na sina Sef Cadayona at Ruru Madrid na masuwerteng makasusungkit ng grand prize na P300,000?
Abangan ang masayang tapatan na ‘yan at tumutok na ngayong Linggo sa Game of the Gens, 8:30PM, pagkatapos ng iJuander sa GTV!