Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMI ang bumati na mga kaibigan ni Jodi Sta. Maria matapos ang isang dekada na pagsusunog nito ng kilay sa pag-aaral.
Nagbunga na nga ang kanyang pagsisipag at pag-aaral sa South Ville International. Sa socmed ni Jodi ay ipinost nito na siya ay naka-graduate na sa kursong BS Psychology.
Inialay nito ang kanyang diploma sa mga tumulong sa kanya para makatapos ng pag-aaral.
Taong 2017 nang magpasiya ito na magbalik ng pag-aaral at eto na nga at napursige niya ang dream na makapagtapos ng studies.
At di pa pala natatapos sa pagka-graduate nito ng kurso at gusto pa nito na magpatuloy ng pag-aaral.
Kng mabibigyan pa nga raw siya ng pagkakataon ay magma-Masteral ito na kinabiliban ng netizens dahil grabe talaga pala ang sipag sa pag-aaral ni Jodi.
Kahit ang bf nitong si Raymart Santiago ay kinabiliban si Jodi.
***
LUIS MANZANO TYPE NA MAGKAANAK ASAP
MEDYO nanaba si Luis Manzano dahil siguro sa stay home kaya naman parang alarming kaya nag-start na magpapayat ang mister ni Jessy Mendiola.
Puro kain lang naman kasi this pandemic season ayon pa sa post ng TV host-actor.
Dream din ni Luis na makabuo ng own family at winish nito na sana nga raw mangyari na.
Sa kabila nun ay may mga nagtatanong pa din kung sasabak ito sa pulitika.
Nilinaw naman ni Luis na wala pa sa isip niya ang paglahok sa pulitika. Busy pa nga raw ang anak ni Ate Vi.
Pero hindi naman nagsalita nang tapos si Luis na ‘di siya papasok sa politics, kumbaga busy lang ito sa ngayon.
Well, well, well…’Yun na!