Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BONGGACIOUS ang naging tugon ng mga followers ni Heart Evangelista na makita nila ang post ng idolo na nakasuot ng one-piece branded swimwear na nagkakahalaga lang naman ng 40k.
Kaya katakut-takot na request ang natanggap ng Kapuso Network na nagsasabing sana ay gamitin ni Heart ang naturang mamahaling swimwear. Nalalapit na kasi ang pagsisimula ng lock-in taping nina Heart, Richard Yap at Paolo Contis sa kanilang seryeng “I Left My Heart In Sorsogon”. Sa naturang serye ay nasabi ni Heart na ang karamihan na sinuot niya sa OOTD sa kanyang socmed ay gagamitin niya sa ILMHIS, hindi lang ito kundi pati na rin ang mga ladies accessories na ginamit niya. At ngayon nga ay feel na rin ng fans ni Heart na isuot din ang mamahaling swimwear.
Hindi lang ang bathing suit ang nais makita ng mga fans kundi ang mga produkto ng kanyang binubuong negosyo na may kaugnayan sa pampaganda.
Nais kasi ng supporters ni Heart na mag-feeling idol Heart sila gamit ang sariling beauty products nito.
***
KEN CHAN PINAG-ARALAN NAN HUSTO ANG BAGONG ROLE SA SERYE
KUNG ang pag-uusapan ay mga roles na challenging ay maaasahan dito ang si Ken Chan. Minahal siya ng masa nang lumabas na isang transwoman sa “Destiny Rose” at mas lalong napalapit sa masa nang mahusay niyang iportray ang isang taong may Intellectual Deficiency sa “My Special Tatay”.
Ngayon naman ay huhusgahan na ang akting talent ni Ken sa bago niyang serye kasama ang kalabtim na si Rita Daniela, ang “Ang Dalawang Ikaw” na character ni Ken ay ang tinatawag na multiple personality disorder.
At kinakailangan pa talaga ni Ken na seryosong pag-aralan ang mundo ng isang taong may Dissociative Identity Disorder o DID.
Aminado si Ken na hindi ganun kadali para sa kanyang tanggapin ang bagong karakter na gagampanan, nagdalawang-isip siya kung mabibigyan niya ng justice ang bagong role na iniatang sa kanya.
“I’ll be honest, when GMA told me that my next role would involve a character facing a Dissociative Identity Disorder, at the immediate news, I got initially nervous, I knew it wasn’t going to be easy pero sobra akong excited,” sabi ni Ken.
Dumating pa sa puntong nag-workshop si Ken para mas lalong mapaghusayan ang kanyang akting.
“Also, I really needed a workshop dahil hindi madali ang gagawin ko at gusto kong tama ang mensahe na mapapanood ng mga Kapuso viewers,” sabi pa rin ni Ken.