Advertisers

Advertisers

Door to door driver inatado ng saksak sa Iriga City

0 286

Advertisers

NAGA CITY – Patay ang isang door to door driver matapos na pagsasaksakin sa San Isidro, sa lungsod ng Iriga.

Kinilala ang biktima na si Emiliano Paya Jr., 53 anyos, residente ng Barangay Sta. Maria, sa nasabing lungsod.

Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), na habang naghihintay ng pasahero ang biktima nang komprontahin ito ng salarin na kinilalang si Danilo Pamparo, residente ng bayan ng Buhi, Camarines Sur.



Nagresulta naman ito sa mainit na diskusyon sa pagitan ng salarin at ng biktima na nag-udyok kay Pamparo para kumuha ng patalim at inundayan ng saksak si Paya.

Dinala sa ospital ang biktima para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Pamparo para sa karampatang disposisyon.