Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ANG Christmas at Summer Station ID ng ABS-CBN ay tumatatak talaga sa kanilang mga manonood. Especially ang kanilang Christmas station ID na ang kanta ay ginagamit sa iba’t ibang event at maging sa carolling ng mga bata at matatanda.
And this year kahit na sarado ang ABS-CBN dahil sa walang prangkisa ay hindi pa rin mabibigo ang lahat dahil mapapanood at maririnig pa rin ang Summer Station ID 2021 Feel Good Pilipinas na kinabibilangan ng mga big Kapamilya stars like Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Angel Locsin, Vice Ganda, and Coco Martin, etc. na kasalukuyang ipinalalabas sa kanilang mga bagong channel na Kapamilya channel at A2Z Channel 11.
At syempre sa darating na Kapaskuhan ay ‘yung kanilang traditional na Christmas Station ID na nagpa-participate ang Kapamilya stars.
***
JC Garcia Maraming Kaibigang Celebrities, Binisita Ni Patrick Dela Rosa Sa Security Public Storage
Ilan sa mga closest friends na celebrity ni JC Garcia ay sina Veronica Jones at Divina Valencia na ninang niya. Si Tita Divina ay nakatambal noon ng late dad ni JC na si Bino Garcia sa 1969 movie na “Bino and Clayd” na dinirek ni Luis San Juan at infairness kumita ito.
Isa pa sa Godmother ni JC ay ang star of 60’s na si Marissa Delgado. Yes, kung ginusto lang ni JC na sundan ang yapak ng ama ay matagal na siguro siyang artista dahil kapag anak ka ng artista ay madali mong ma-penetrate ang showbiz. Well, hindi man siya naging actor ay showbiz pa rin ang pinasok ni JC kung saan kinikilala na siyang recording artist at concert performer sa San Francisco, California at iba’t ibang parte ng Amerika.
Nakagawa si JC ng dalawang CD Albums at nakapag-perform sa iba’t ibang venue kasama ang mga big names singers ng bansa like Imelda Papin, Anthony Castelo, Gary Valenciano at maging ang singer-actor na si Gabby Concepcion ay nakatrabaho na rin nito.
By the way, recently lang ay nasorpresa si JC at ang co-manager na si Ines Montenegro (cousin ni Nadia Montenegro) sa pagbisita sa kanila ng actor na si Patrick dela Rosa sa kanilang company na Security Public Storage sa Daly City, California.
Babalik na kasi ng Pinas si Patrick kaya dumaan ito kay JC at Ms. Ines para mangumusta.
***
Pinoy Executive Dondon, 16 Years Nang Kasal Sa Hubby Na Si Scott Mong
Yes, dahil nagmamahalan ay nagpakasal (same sex marriage) ang Pinoy executive o Manager Partner ng Senior’s Avenue na si Dondon kay Mr. Scott Mong.
And according to Dondon na avid viewer ng aming solo vlog na “Chika Mo, Vlog Kabog” ay hindi naging madali ang buhay niya sa Southern, California na kung anu-anong trabaho ang pinasok para lang maka-survive at makatulong sa kanyang family dito sa Pinas.
At dahil sa hardworking, marunong makisama at God-fearing person ay stable na ngayon si Dondon at natagpuan pa ang man of his life na mahal siya at supportive sa kanya. At base sa uploaded photos nito sa kanyang social media account ay tanggap si Don ng buong family ni Mr. Scott na 16 years na niyang partner sa buhay.
Role model na maituturing sa Gay world ang said gay couple.