John Lloyd-Andrea vs Derek-Ellen, magsasalpukan sa Siyete; Rhian dinenay na titira na sa abroad kaya bye showbiz na
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI nabigyan ng timeslot sa TV5 ang sitcom na gagawin sana ni John Lloyd Cruz under Brightlight Productions.
At sa GMA 7 na nga ito matutuloy at bumulaga na nga sa 6.6 Shopee si John Lloyd na isa sa guets ng Wowowin ni Wilie Revillame.
Marami naman tanong si Willie kay Lloydie at isa nga sa pumokos na tanong ang netizens ay kung handa na bang umibig muli ang mahusay na aktor.
Sagot naman ni John Lloyd ay handa na nga raw siya magmahal ulit.
Tanong ng netizens ay ‘di kaya kay Andrea Torres na balitang magsasama sila sa isang sitcom?
Posible kasi sa sitcom din sa ABS-CBN na Home Sweetie Home nabuo ang relasyon nina John Lloyd at Ellen Adarna dati.
Pero may bulung-bulungan na iningunguso pala ni Derek Ramsay sa execs ng GMA-7 na kunin na rin nila si Ellen.
Pag nagkataon ay malamang magtapatan ang mag-e-ex pag nandun na rin si Ellen at maging Kapuso.
Alarming na nga raw para sa ibang network lalo na at may balita rin na na tutuntong na rin si Bea Alonzo sa bakuran ng GMA-7.
Abangan!
***
MARAMI pa naman nagkagustong netizens na maging regular co-host ni Willie Revillame si Rhian Ramos sa game show na Wowowin.
Nalungkot si Rhian na nagsuot pa ng pearl sign of tears.
Last week na nga raw ng Kapuso actress sa show ni Willie na nagsimulang maging guest co-host nung 6th Anniversary ng Wowowin at nagtuluy-tuloy na.
Kahit si Willie ay nalungkot din sa pagpapaalam ni Rhian sa nasabing show pero nirespeto naman ng Wowowin host-produ ang desisyon ng pamamaalam ng dalaga.
May sitsit kasi na tila sa ibang bansa na ito maninirahan.
Gusto nga raw muna ni Rhian na magpahinga sa kanyang career pansamantala at pinabulaanan naman nito na sa ibang bansa na ito maninirahan.
May mga project daw siyang gagawin sa GMA-7 at may story na kaya naman hanggang wala pa ay rest muna ang beauty ni Rhian.
Well, well, well…’Yun na!