Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BUY and sell online ang unang negosyong itinatag ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young nang maisipan nilang magsimulang magnegosyo.
Itininda nila ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanilang mga hobbies. At dahil sa pagiging friendly ng mag-asawa ay nagtanung-tanong ang kanilang mga kaibigan kung saan nila nabibili ang mga naturang equipments o gamit. At dito nga nabuo sa isip nilang mag-buy and sell business.
“It started off us wanting to buy a certain product that wasn’t sold in the Philippines and we decided to buy it online. When it arrived, a lot of our friends and our family were like ‘whoa where did you get that?’ This was during the time na hindi pa masyadong uso ‘yung you can buy it on these apps,” ani Megan.
Dahil sa pagkahumaling sa tinayong negosyo ay napuna ni Megan na minsan ay sobra ang binibili ni Mikael na gamit na tuloy ay na-stock na lang sa kanilang bodega.
“I would’ve told him to stop buying. Seriously, Mikael was buying stocks every single week not knowing if he will be able to sell this or not. I remember telling him ‘why don’t you preorder para at least you only order what people want and you don’t have overstock’,” dagdag na say ng dating Miss World.
Hindi na naging mabenta ang kanilang mga paninda kaya pinasya na lang ni Mikael na isarado na ito at break-even lang ang kanilang negosyo nang magsara.
Sumunod na negosyo nila ay coffee shop dahil na rin naman sa mahilig silang pareho na magkape at tulad ng nauna nilang negosyo ay buhos ulit ang pera nina Mikael sa bagong negosyo, na sa kasamaang palad ay inabot lang ng 8 months of operation.
“We are so passionate about it, we could’ve kept a level head in terms of the money that we were spending kasi no we want the high-end beans, we want the high-end equipment, we want the best looking tiles and chairs and marble countertops.
“To be honest with you, it was not the best business decision,” lahad pa rin ni Megan.
***
HINDI inakala ng baguhang young actor at leading man ni Kyline Alcantara sa katatapos lang na seryeng “Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit” na si Yasser Marta, na makatatanggap siya ng regalo, isang mamahaling motorsiko, 1992 Honda Shadow 1100, ang kanyang natanggap ay mula sa kaibigang aktor na si Gabby Concepcion na kung ituring ni Yasser ay isang best friend, isang kuya at isang dad.
Say ni Yasser na nabuo ang magandang pagkakaibigan nila ng versatile aktor noong magsama sila sa teleseryeng “Love You Two” na sina Jennylyn Mercado at at Gabby ang mga leading characters.
“Nagkasama kami sa isang show, sa ‘Love You Two,’ year 2019, si ate Jennylyn ‘yung partner niya doon. Parang very natural lang na nagkaroon kami ng chemistry ni Kuya Gabby, connection.
“Simula noon, halos araw-araw na kaming magkasama, nagkukuwentuhan. Si Kuya Gab din mahilig din siya sa lumang bikes and cars eh.
“Ako, nakilala ko rin siya, natutulungan ko rin si kuya Gab. Kaya ‘yun nga, everyday na kaming magkasama,” sabi ni Yasser.
Isa pa rin sa labis na ikinatataba ng puso ni Yasser ay ng ideyang hindi rin marahil lahat ay nireregaluhan ni Gabby ng ganoong uri ng motorsiklo.
Sadyang mahiligin talaga si Yasser sa mga motorsiklo kaya’t pag may mga aktor siyang kasamahan sa show na may magandang motor ay nagse-selfie siya rito. Kagaya na rin ng motor ni Zoren Legaspi na isang BMW GS, na inutusan siya nitong i-test drive ang naturang motor.