Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
GRABE pa-okray ang mga vlogger na mahilig magpakalat ng iniimbento nilang balita o isyu. Ang latest na pinagkakalat ng mga kapalmuks na vlogger na gusto kumita nang malaki kaya walang paki sa kredibilidad ay si Sharon Cuneta na may dyowa raw na batang lalaki na nang malaman daw ni Sen. Kiko Pangilinan, hayun at binugbog nito ang kanyang mega wife na dahilan daw ng paglayas nito ng bansa.
Kahit nasa Amerika si Shawie ay sinagot nito ang issue sa pamamagitan ng kaibigan niyang si Manang Cristy Fermin.
Ayon pa kay Mega, pinagtatawanan lang niya ang isyu kasi sa tanang buhay ng singer-actress ay hindi pa siya nakatagpo ng lalaki na sinaktan siya.
“There’s no reason anymore to live with someone who doesn’t respect you. Kapag nakatikim na ako ng pananakit, wala ng second chance hihiwalay na ako,” pahayag pa ni Sharon.
Oh, hayan mga epal at engot na vlogger magpaliwanag kayo sa mga kagaguhan niyo!
***
Mas Lalong Na-Inspired! JC Garcia, Overwhelming Ang Response Ng KUMU Viewers At Pinanonood Na Rin Ng Mga Celebrity
Kala-live pa lang ni JC Garcia ng kanyang streaming singing show sa KUMU pero grabe na angresponse sa kanya ng Kumu universe na very overwhelming talaga for him.
“Wala akong ininvite na tao, Kuya Peter (tawag ni JC sa inyong columnist) at nag-turn on lang ako ng camera and I start singing ang dami agad nag-like,.”
“Yes, on my first live streaming I got 5K likes in just 30 minutes. Wow, grabe I think mag-stay ako dito sa Kumu at ang bilis makakuha ng audience.”
Sabi namin kay JC depende rin ‘yan sa show eh, tulad niya mahusay na performer na kayang kumanta ng mga matataas na nota at maganda ang boses at malakas ang karisma ay tiyak na magugustuhan at tatangkilikin siya ng manonood ng KUMU.
Last Saturday ay muling napanood ang 4th live streaming ni JC sa KUMU. “Wow! Wow! Wow! After my show last night at ATC Channel 31 Online TV! I went straight to my other Live Show which is “KUMU” to do my 4th Live show with Kumu Community. I met a lot of new friends i saw our family friends and Special Shout out to Ms. VERONICA JONES – MOVIE ACTRESS thank you for supporting me on my Kumu Live Show together with your Gorgeous Singer and Recording Artist Ms. ABBY ASSISTIO her supporters the Sitio Assistio group to support me on my show. I did a 3 in half hour show and I received 32.15K Diamonds and 13.69K LIKES! Not bad for 4th day.”
Ilan pa sa gustong pasalamatan ni JC, “THANK YOU CHRIS AS WELL FOR ALL YOUR support! I like Kumu now, tonight (Saturday show is my 4th day doing live with KUMU, thanks to our Family Friends Ate Veronica Jones and Abby Assistio.”
Samantala, last week ay ang sobrang na-enjoy ni JC ang pag-travel sa iba’t ibang parte ng Amerika. Ito ang ilan sa mga states na binisita ng Fil-Am Recording Artist/Dancer/Online TV host. Ang first stop niya ay sa Los Angeles, next is San Diego then Phoenix Arizona, next is New Mexico, Houston Texas then Dallas Texas, Albaquque, Arkansas, Mississipi, Alabama, Georgia, North Carolina, Pennsylvania at ang last stop ay sa New York na kung pwede lang daw tumawid sa Europe ay pupunta siya roon, biro pa ni JC na sakay ang kanyang luxury car sa nasabing mahabang trip.
***
Buhay Ng Aming Ayuda Angel Na Si Mel Aquino Sa Colorado, USA Interesting
Bago pa naging based kasama ng kanyang pamilya sa Longmont, Colorado USA ay tumira muna for 6 years sa Indonesia ang isa sa mabait at very generous na member ng aming “Ayuda Angel” na si Ma’am Mel Aquino.
She and her husband Sir Allan with their children also stayed in Singapore for 4 years. And then dito na sa Colorado US nila natagpuan ang kanilang second home.
At maganda ang job ni Sir Allan bilang Senior Quality Manager sa MEDTRONIC, na isang malaking medical company sa US. Hindi lang ‘yan, member din si Sir Allan ng 3AJ Band na siya ang drummer at mapapanood niyo ang upload niyang videos sa kanyang Youtube channel na Allan Aquino.
Ang Ayuda Angel naman naming si Ma’am Mel ay may part time job at siya ang Quality Control sa isang company na gumagawa ng mga imported earrings. Masaya kami at nakilala namin si Ma’am Mel na very supportive sa aming Vlogs na “Chika Mo Vlog Kabog” under our YT channel PPA Entertainment Network.
Ma’am Mel and Sir All have 3 beautiful children na sina Anne (4th year college), Andre (16 yrs old) at Engineer Adrian na kaka-birthday lang last May 21.