Sanya sa pagpapagawa ng bahay inuubos ang tf sa 2 serye; Lloydie bumalik sa showbiz para sa future ng anak na si Elias
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INAMIN ni Sanya Lopez na kapag walang taping ay nasa bahay lang ito at dun nagbababad.
Last year pa nga raw nito nabili ang bahay at regalo niya ito sa sarili. At thankful naman ito na kahit may pandemya ang bansa dahil sa killer virus ay may work pa rin siya at dalawa pa ang serye na nilalagare, ang First Yaya at Agimat Ng Agila.
Kaya naman kahit may pandemic ay may kita at kabuhayan pa rin si Sanya. At dahil doon ay isa pang pag-amin nito ay ang kita niya lahat sa bago niyang serye ay inilaan niya sa kanyang bahay para ipa-renovate.
Natutuwa naman si Sanya at unti-unti na itong natatapos at nakukumpleto kaya ang kanyang pinaghirapan ay may kinapuntahan.
Kasiyahan na nga raw ni Sanya na tutukan ang pinapaayos na bahay kapag wala rin lang itong lakad.
***
John Lloyd Cruz, ang anak ang dahilan kung bakit kailangan magtuloy ang buhay
ANG anak daw ang nagsisilbing inspirasyon at lakas ni John Lloyd Cruz sa ngayon.
Ang kanyang anak sa ex live partner na si Ellen Adarna na si Elias Modesto ang dahilan kung bakit kailangan umano magtuloy ang buhay ng aktor.
Kaya naman malaki ang utang na loob ni Lloydie sa anak para magpatuloy na mabuhay sa mundo.
Kung wala ang anak ay hindi nga raw alam ni John Lloyd kung ano na ang mangyayari sa kanya.
Nagkaroon nga raw ng direksyon ang buhay nito dahil sa kanyang anak at dito na nga raw sumentro ang buhay ni John Lloyd.
Ang anak din nga ang dahilan kung bakit kailangan na magbalik work na ito although kahit hindi na dahil may malaking ipon na rin naman si Lloydie.
Pero nang dahil sa anak ay kailangan na raw magsipag ni John Lloyd para sa future nito.
Well, well, well…’Yun na!