Advertisers

Advertisers

Lalaki kulong sa ‘di pagbibigay ng sustento sa anak

0 310

Advertisers

INARESTO ang isang lalaki na wanted sa ‘di pagbibigay ng sustento sa anak mula pa noong Marso sa Ermita, Maynila.
Inireklamo ang naturang lalaki ng dating karelasyon na nakilala niya sa isang dating app.
Ayon kay Police Capt. Philipp Ines, public information officer ng Sampaloc Police ng Manila Police District Station 4, noong 2018 nagkakilala at nagkaroon ng relasyon ang lalaki at ang biktima na hindi pinangalanan para sa proteksyon ng kanilang anak.
Nabuntis ng 36-anyos na lalaki ang babae pero bigla nalang tumigil sa pagbibigay ng sustento ang una.
Iniwan na rin nito ang babae at nagtago mula 2019.
Sinubukan pa siyang hanapin ng babae sa kaniyang mga address sa Bulacan at Quezon City pero mailap ang lalaki.
Nitong Linggo, may nagbigay ng tip na may pupuntahan ang lalaki malapit sa Manila City Hall at doon na siya naaresto ng Sampaloc Police.
Kasong paglabag sa Republic Act 7610 at Republic Act 9262 ang isinampa laban sa lalaki dahil sa umano’y pagpapabaya at hindi pagbibigay ng sustento sa kaniyang anak.
Nagpaalala naman ang mga otoridad na maging maingat sa mga nakikilala sa social media at mga dating app at huwag basta-bastang magtitiwala.