Advertisers

Advertisers

Kaya tikom sa hiwalayan sa mister na si Alwyn…

0 262

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

Jennica ayaw masisi ng mga anak; Lorin binawalan muna magdyowa ni Mommy Ruffa

“ONE is never too old to chase your dreams,” ‘yan ang say ni Ruffa Gutierrez sa mga nagtatanong kung bakit naisipan niyang magtapos ng kurso sa kolehiyo lalo pa nga’t sa taon din ito papasok sa kolehiyo ang kanyang anak na si Lorin na gumradweyt ngayon taon sa Senior High School.



Kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Arts degree major in Communication Arts under their Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program, sa PWU o Philippine Women’s University.

Dagdag pa ni Ruffa na kaya siya muling nag-aral hindi lang para tuparin ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo at maging sandalan sa kinabukasan kundi nais din daw ni Ruffa na maging isang magandang ehemplo siya sa mga anak.

Pero sa muling pagpasok niya sa eskuwela ay siya naman ang pagpirma ng anak na si Lorin bilang talent ng Viva Entertainment, ano naman kaya ang say ni Lorin hinggil dito?

“It just feels the right time, I’m more mature and everything is at my own pace.  I feel I’m ready and I’m excited to start this new chapter in my life and see wherever it will take me.

No boyfriend daw muna, just focus on my career and my studies, focus on myself rather than another person. My mom wants the best for me but she trusts my judgment and she lets me follow my own path,” say ni Lorin.



***

KAHIT nagkanya-kanya na sila ng landas ng asawang si Alwyn Uytingco ay minabuti ng dalawang kampo na manahimik na lang sa totoong dahilan kung bakit napagpasyahan nilang mag-asawa na maghiwalay.

Kaya tuloy kahit anong ipost ng mag-asawa sa kanyang-kanyang social media account ay binibigyang kahulugan ng mga netizen. Tulad na lang nang mag-post si Alwyn ng kanyang saloobin hinggil sa bago niyang pelikulang “Asuwang” ay pinalabas naman ng netizens na si Alwyn ang demonyo sa buhay mag-asawa nila ni Jennica. At tila napakasama ngang asawa ni Alwyn.

Pero ayon kay Jennica walang kinalaman ang anumang pinansyal na bagay sa paghihiwalay nila ni Alwyn at lalo raw na hinding-hindi niya kakayanin na magsalita ng anumang bagay na makakasama sa pagkatao ng ama ng kanyang mga anak.

At hindi raw siya magsasalita nang masama sa mister dahil sa ayaw niyang pagdating ng araw ay may masabing masama ang anak nila pag nabasa ng mga ito ang komento ni Jennica online.

Samantala, habang nag-aantay  pa ng kanyang assignment sa showbiz ay naggugugol  muna si Jennica ng oras sa kanyang TikTok account. Marami ang nakapuna na mula sa pagiging ‘mahinhin’ sumayaw noong dalaga pa ay tila eksperto na ngayon si Jennica sa paggiling-giling ng balakang.