Advertisers

Advertisers

Dennis inaabangan na ang wedding proposal kay Jennylyn ngayong taon

0 201

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PAREHONG  Mayo ang birthday month ng magsyotang sina DennisTrillo at Jennylyn Mercado. Mas mauuna nga lang si Jen dahil May15 siya  samantalang si Dennis naman ay Mayo 20.

Ngayong taon ay ipinagdiwang ni Jen ang kanyang ika-34 na kaarawan at dahil sa may pandemya ay walang masyadong ganap sa kanyang kaarawan pero hindi naman nawala ang mensahe ni Dennis sa kanyang gf na pinost sa sariling social media account.



Kilig to the max ang mensahe ni Dennis sa syota na nakalagay sa isang larawan na nag=scuba diving sila at habang nasa ilalim ng dagat ay nag-heart sign pa ang dalawa.

Say ni Dennis: “Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man, at kahit anong mangyare nandito ako para sa’yo, hindi kita pababayaan.

“Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita. Maligayang kaarawan sayo Mahal ko.”

Ang naturang mensahe ni Dennis ay hindi lang kilig ang hatid sa kanilang mga supporters kundi tila pagtatanong na senyales na ba ito ng pagpapakasal ng dalawa. Lalo pa nga’t hindi na rin naman sila bumabata, si Dennis ay 40 na. Mag-propose na kaya si Dennis ng kasal kay Jennylyn ngayong taon?

***



POKWANG NAGREAK SA BASHERS SA PAGTULONG KAY MISS MYANMAR

MARAMING netizens ang nagtaas ng kilay nang ipabatid ni Pokwang ang kanyang kagustuhan na makatulong sa sitwasyon ng mga kinatawan ng Miss Universe Myanmar at Miss Grand International Myanmar.

Ayon kasi sa balita ay grabeng tensyon ang inabot ng dalawa para lang kumatawan sa kanilang bansa sa naturang international beauty pageant. Under military junta ngayon kasi ang Myanmar. At mukhang sa pagbabalik nila ng bansang kanilang nirepresenta ay huhulihin ang byuti ng dawala sa pagtapak palang nila sa lupain ng kanilang bansa dahil may warrant of arrest sila.

Kaya sa kanyang social media account ay ipinarating ni Pokwang ang kanyang taos pusong pagkalinga sa dalawa sa pagsasabi  ng ganito sa kanyang post: “Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar. Halika muna sa aking bahay papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang.”

Sadya ngang hindi mawawala ang mga bashers sa internet. Kahit pa napakaganda ng suhestiyon ni Pokwang ay may kontra pa rin dito mula sa mga bashers. Anila, bakit naman daw sa dinami-dami ng mahihirap na mga Pinoy ay dayuhan pa ang nais ampunin ni Pokwang?

“Excuse me, kung talagang followers ko kayo, legit ko kayong fan, alam niyo kung ano ang ginagawa kong pagtulong.

“At hindi ko na iisa isahin yun, ang importante alam ni God kung ano ang ginagawa ko. Hindi yun mga naka-data lang na makapag-comment. Okay? Kalma,” tugon ni Pokwang sa kanyang mga bashers.