Advertisers

Advertisers

Angelika Santiago matigil na ang pandemic ang birthday wish

0 287

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MATAGAL nagplano ang parents ni Angelika Santiago para sa kanyang special day sa May 31,  ang kanyang 18th birthday.

Ngunit nang nagkaroon ng pandemic, nagdesisyon si Angelika at ang parents niya na imbes na engrandeng debut ay tumulong na lang sila sa mga kapuspalad.



Kaya sila’y nag-donate sa Sister Handmaids of Charity of St. Vincent de Paul at Kanlungan ni Maria-Home for the Aged. Plus, magbibigay din sila ng pagkain sa mga taong nasa kalye.

Aniya, “Ito na po yung parang magiging debut ko na rin, parang same rin po noong nag-birthday ako noong 13 ako, nag-donate rin po kami. Ngayon ay nag-donate po kami ng mga pagkain, ng mga gamit sa mga matatanda po, at iba pa po.”

Dagdag pa ni Angelika, “Actually, wala po talaga sa plano iyon, dahil hindi po ba supposedly ay magde-debut ako? Pero ang ginawa na lang po namin ni mama, since pandemic ngayon, naisip namin na mag-donate na lang ulit doon sa same place, and halos every year naman po ay nagdo-donate kami roon.”

Esplika pa niya “Ang plano po talaga (sa debut) ay simpleng celebration na lang, wala pong big celebration. Kasi siyempre po, naisip po namin una sa lahat, iyong mga taong walang makain sa panahon ngayon ng pandemic. Kaya naisip po namin na mag-donate na lang ng mga pagkain sa mga taong nasa kalsada. Magbibigay na lang po kami ng mga pagkain sa kanila.”

Kung next year gawin ang debut niya okay lang ba, kahit 19th birthday niya ito? “Iyon po ang pinaplano namin ni papa, if ever kapag safe na po talaga,” nakangiting wika pa ni Jelay (nickname ni Angelika).



Ano ang birthday wish niya? “Ang birthday wish ko po ay good health sa family ko at sa akin din po. Tapos, sana po ay mag-end na rin ang pandemic para tuluy-tuloy na rin ang mga project. Kasi po ay ang daming nawala talaga, eh.

“Sa showbiz career ko po, wish ko po na sana ay mag-bloom pa po lalo iyong career ko, kasi ay excited na po ako sa mga dapat mangyari noong time na wala pong pandemic.

“Ang isa pa po sa wish ko ay parang gumaling din po ako sa acting skills ko. Ngayon po ay nagfo-focus ako sa mga talent ko, sa dancing, singing, nagfo-focus po talaga ako nang sobra. Nagte-training po ako ng solo ngayon, dati po ay nagte-training ako kay Sir Jojo Acosta, as my voice coach. Pati po sa acting workshop, dati ay nag-undergo po ako kay Tita Gladys Reyes, tapos ay nag-PETA theater din po ako. Kaso ay natigil po dahil sa school, kasi ay pa-end na rin po yung school,” lahad pa ng magandang teen actress.

Matatandaang si Angelika ay naging bahagi ng top rating TV series na Prima Donnas ng GMA-7 at tumatak dito bilang kontrabida. Wish niya na sa Book 2 ng seryeng pagbibidahan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Jillian Waed at iba pa ay makasali siyang muli.

Mapapanood din si Jelay sa TV series ng Net25 titled Love From The Past starring Claire Ruiz, Francis Magundayao, Sean de Guzman, Lotlot de Leon, Nella Dizon, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Please follow Angelika on Tiktok: @angelikasantiago_ at mag-subscribe rin sa vlog niya (youtube channel) – Angelika Santiago.