Advertisers
PATAY ang sub leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Figther (BIFF) at drug trafficker nang makaengkwentro ng mga sundalo sa Maguindanao.
Kinilala ang napatay na si Abdulatip Pendaliday alias Commander Grasscutter, sub leader ng BIFF at drug trafficker.
Sa ulat, mayroon ‘standing warrant of arrest’ sa paglabag sa RA 9165 si Pendaliday, at nakatakas sa isinagawang bust bust operation noong Feb. 21, 2020.
Ayon kay Lt Gen Corleto Vinluan,Commander ng WestMinCom, 5:50 ng madaling araw nang makaengkwentro ng mga 601st Infantry Brigade ang teroristang grupo sa Barangay Lipao, Datu Paglas, Maguindanao.
Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo laban sa mga tumatakas na mga terorista.(Mark Obleada)