Advertisers

Advertisers

Empleyada ni misis ‘ikinama’ ni mister

0 424

Advertisers

SA kulungan ang bagsak ng isang negosyanteng Chinese national nang ireklamo ng panggagahasa ng19-anyos na dalaga na empleyada ng kanyang misis sa Barangay Roxas, Nueva Vizcaya nitong Sabado.
Kinilala ni Police Patrolman Caroline Dascil ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang nadakip na si Shi Zi Li, 35 anyos, residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, unang tinawagan ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang “Wandang” at nakipagkasundo na magkita sa isang fastfood sa bayan nitong May 17.
Inalok din ng suspek ang biktima na sumakay sa kanyang sasakyan, subali’t may ipinaamoy ang Chinese sa biktima hanggang mahilo at tuluyang madala sa isang drive-inn hotel.
Nagpamasahe pa ang suspek bago nito gahasain ang dalaga. Binantaan din ng suspek na huwag magsusumbong sa sinuman kasabay ng alok na P1,500 na sapilitang tinanggap ng biktima.
Sa kabila ng takot, nagpasya ang dalaga na lumapit sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip kay Shi Zi Li. (Rey Velasco)