Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad operator ng drug den, arestado

0 313

Advertisers

ARESTADO sa buy-bust operation ang isang incumbent na barangay kagawad sa Maguindanao.
Sa ikinasang operasyon, nadakip ang kagawad na si Mama Ronie Salem ng Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM.
Naaresto rin sa operasyon  sina Tato Akmad Lalaog, 43; Rustom Salem Mama, 22; Joharie Kanacan Cusain, 22; at Norman Ali Abdullah. 19.
Ang kagawad at si Lalaog ang pinaniniwalaang nasa likod ng operasyon ng drug den.
Nakumpiska sa operasyon ang P68,000 halaga ng  shabu, mga drug paraphernalia, isang .45 cal. pistol na may magazine assembly at tatlong bala, isang cellphone at mga ID.