Advertisers

Advertisers

19 bala ibinaon sa katawan ni lolo

0 491

Advertisers

LABINGSIYAM (19) na tama ng bala ng shotgun ang kumitil sa buhay ng 66-anyos na lolo nang pagbabarilin  sa  Barangay Kawayan, Alicia, Zamboanga Sibugay, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Police Major Shellamie Chang, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasawi na si Jenilito Lausa, residente ng Barangay Lutiman sa bayan ng Alicia.
Sa pahayag ng pamilya, umalis ang biktima sa kanilang tahanan 7:00 ng umaga nitong Biyernes para bumili ng kabayo pero hindi na ito nakauwi.
Pero nitong madaling araw ng Sabado, nagulantang ang mga residente sa lugar nang makarinig ang sunud-sunod na putok ng baril na nagmumula sa may tabing ilog 2:30 ng madaling araw.
Bago ito, nakita pang sakay ng kabayo ang matanda na bumabaybay malapit sa tabing ilog.
Natagpuan ang biktima sa may pampang ng ilog na may 15 tama ng shotgun sa dibdib, 2 sa leeg at 2 sa mukha.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen.