Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOONG Mayo 11, maraming netizens ang nahiwagaan sa biglang pag-aalsa balutan ni Sharon Cuneta sa bansa noong Martes, Mayo 11.
Sa kanyang Instagram account, ipinost niya ang larawan ng kanyang passport kasabay ng emosyonal na emote ng pamamaalam sa kanyang pamilya.
Walang tinumbok si Sharon kung saan siya pupunta at kung gaano katagal siyang mawawala sa Pinas.
Sa bandang huli, inamin din niya ang dahilan ng kanyang pag-alis.
Ito ay para mag-recharge at mapanatag ang kanyang kaisipan dahil aminado siyang naaapektuhan ang kanyang mental health dala ng mga ganap sa bansa.
Fast forward, Mayo 13, nasa Los Angeles, California sa Estados Unidos na pala ang Megastar kapiling ang isang long-time friend. “Home in L.A. with one of my lifelong best friends on the planet, Lorraine! On our way to dinner.😊🤗❤️👏🏻👏🏻👏🏻Thank You Jesus for a safe and enjoyable flight. PAL Cabin Crew is always the best!🙏🏻🙏🏻🙏🏻,” hirit niya sa pinakabagong post.
Nagkomento naman ang kanyang panganay na si KC Concepcion at pinayuhang magpabakuna ang ina.
“Yay! Get your vaxx!,” hirit ni KC.
Kamakalawa, nag-post naman ang singer-actress sa Instagram ng video clip ng kanyang pagbabakuna sa Estados Unidos.
Hirit pa niya, sana raw ay mabakunahan na rin ang kanyang mga anak para may proteksyon ang mga ito sa Covid-19.
“I’m here at a hospital. I’m getting my first shot of Moderna vaccine from (nurse) Trish. I am blessed because she is a Filipina also and I am happy to be getting this vaccine. So, I am excited. I just wish my kids could get it too soon,” ani Sharon.
Isang Pinay nurse raw ang nag-administer ng kanyang vaccination.