Advertisers

Advertisers

Metro mayors tutol sa ‘vaccine pass’ sa mga establisyemento

0 195

Advertisers

MARIING tinutulan ng mga alkalde sa Metro Manila ang panukalang “vaccine pass” bago makapasok sa mga establisyemento ang publiko.
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na chairman din ng Metro Manila Council, hindi patas kung oobligahin ang publiko na mag-presenta ng vaccine pass dahil maliit na porsyento pa lang ng populasyon ang nababakunahan laban sa COVID-19.
Dagdag pa ni Olivarez, hindi pa rin sapat sa buong populasyon ng Pilipinas ang supply ng estado sa COVID vaccines.
Base sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 786,526 na indibidwal ang fully vaccinated o nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna.
Mula naman sa higit 7-million doses na supply ng bansa, higit 3-million doses na raw ang naituturok sa healthcare workers, senior citizens, may comorbidity at ilang economic frontliners.
Una na ring tumanggi ang DOH sa panukalang vaccine pass ng Department of Trade and Industry.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hanggang sa ngayon walang ebidensya na kahit nakakumpleto na ng bakuna ang indibidwal ay hindi na ito mahahawaan ng coronavirus disease.
Bukod dito, wala pa rin daw ebidensya na kayang protektahan ng bakuna ang mga tao laban sa mild hanggang moderate na antas ng impeksyon.
Sa ngayon daw kasi ang lumalabas pa lang na resulta ng mga pag-aaral, ay kayang labanan ng bakuna ang severe o malalang antas ng COVID-19 infection. (Josephine Patricio)