Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SUKDULAN na nga raw ang nadaramang pag-ibig ni Dennis Trillo sa gf na si Jennylyn Mercado.
Sa 34th birthday ng singer-actress ay nag-post si Dennis sa kanyang socmed ng kanilang photo.
Kita naman ang posted pics ni Dennis na larawan nila na kuha sa isang resort sa Mabini, Barangas.
At kita naman kung gaano ka-ocean deep ang pagmamahal ni Dennis kay Jen.
Kaya naman sa caption ng aktor sa kanyang socmed ay sinabi nito na “Sa lupa, o sa ilalim ng dagat ay sasamahan nito si Jenn at di pababayaan kahit saan man sila makarating.”
Mas tumibay ang pagmamahal ni Dennis sa singer-actress nitong panahon ng pandemya.
Mas lalo nga raw nila nakilala ang isa’t isa na nagpatibay sa relasyon nila.
Sa naging balikan nila ay ‘di na nga raw umubra ang katagang second chance dahil siguro both mature na ang couple.
Basta nga raw walang iwanan, sasamahan at babantayan nito si Jen kahit saan man sila makarating.
***
BULUNG-bulungan na sasabak daw sa beauty pageant si Liza Soberano.
Trulala kaya ang tsika na lalaban ito sa pagka-Miss Universe next year.
Wala pa naman kumpirmasyon kung true ba ang pagsali ni Liza sa paligsahan ng kagandahan.
May lumabas kasi na haka-haka matapos matalo si Rabiya Mateo sa katatapos lang na Miss U.
Minsan na ngang nagka-initan ang manager ni Liza na si Ogie Diaz at ang supporter ng DDS na si Jam Magno.
At ngayong may tsika na sasabak sa Miss Universe si Liza na wala pang kumpirmasyon, ano naman kaya ang say nitong Jam dito?
Well, well, well…’Yun na!