Kris tanggap ang pamba-bash na pandak, butiki at kawayan; Sunshine proud sa paggradweyt ng anak sa hayskul
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
WALANG takot na nagpost si Kris Bernal ng kanyang topless na larawan sa sariling social media account na kuha sa kanyang sultry birthday photoshoot.
Walang suot na pang-itaas at takip lang ng mga braso ang kanyang dibdib samantalang isang punit na maong ang pang ibaba niyang kasuotan.
Sa ginawa niyang lakas loob na ipakita ang kanyang katawan ay asar-talo ang mga bashers ni Kris lalo na yung lagi naglalagay ng negang komento sa kanyang mga larawan.
Ilan sa mga bash ay ang mga salitang “pandak, anorexic, butiki, kawayan”.
Ayon pa rin kay Kris, madalas ay apektado siya sa mga negang komento sa kanyang katawan pero ngayon daw ay natutunan niyang tanggapin ang kanyang imperfection at kanya nga itong ipinangalandakan sa internet. Nilagyan pa ito ng caption ng aktres na nagsasabing:
“Body positivity is not just about how someone looks. It’s embracing who you are as a person. Tbh, before I used to get affected on how people perceive how I look, ‘Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan.. and the list goes on, but now I learned how to bring positivity to myself and other people by embracing my flaws. There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”
***
ISA sa pangamba ni Sunshine Cruz ay ang pagsabak ng kanyang mga anak sa showbiz na kanilang kinalakihan at hindi mabigyan ng prayoridad sa edukasyon. Laking pasalamat naman ni Sunshine na pawang masusunuring anak ang 3 niyang Maria.
At ang isa nga rito ay si Sam na proud na pinost ni Sunshine ang larawan nilang mag-ina na may hawak na isang tablet si Sam at makikita roon ang isang larawan na nagpapatunay sa pagtatapos niya ng Junior High School.
“Congratulations, Sam! It is such a heart-filling moment seeing you graduate from Junior High School onwards to Senior High! These are definitely moments that cannot be replaced,” caption ni Sunshine.
“Thank you for fulfilling your promise to me that even if you have started your career in show business and have been busy, you still made sure that you made your studies a top priority in your now many obligations. We love you Sam! #proudmom,” dagdag pang say ni Sunshine.
At ayon naman kay Sam ay naging isang malaking inspirasyon sa kanya ang pakikipaglaban ng ina nang mahawaan ito ng Covid 19.