Advertisers
ARESTADO ang isang da-ting pulis at tatlo pa sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa San Manuel, Pangasinan.
Kinilala ang naaresto na si Charlie Sagun, dating nakata-laga sa Police Regional Office 2 na nag-absent without official leave (AWOL) at residente ng Barangay Guiset Sur, San Manuel.
Sa ulat, 11:30 ng gabi noong Mayo 17 nahuli si Sagun sa Purok Regta, Barangay San Juan, San Manuel.
Nasamsam kay Sagun ang sachet ng shabu na may timbang na .0779 gram at dalawa pang sachets ng shabu na may timbang na .1470 gram, buy-bust money, cellular phone, Mitsubishi van at limang bala ng caliber 9mm.
Samantala, kinilala ang tatlo pang naaresto na sina Oscar Rizada, 23, construction worker; Angelou Operio, 40; at Excel Bangal, 26, factory worker, kapwa residente ng Barangay Rizal, Makati City na naaresto 3:15 ng madaling araw nitong Lunes sa Maramba Blvd., Barangay Poblacion, Lingayen.
Nagsagawa ang mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, ng buy-bust operation laban sa mga suspek at nakumpiska ang sachet ng shabu na tumitimbang ng 35 grams na nagkakahalaga ng P238,000, buy-bust money, boodle money, cellular phone at Chevrolet duramax.