Advertisers

Advertisers

Duterte: Walang pilitan magpabakuna vs Covid-19

0 247

Advertisers

HINDI maaaring pilitin ang sinumang ayaw magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte subalit nakikiusap siya sa mga ayaw magpabakuna na huwag munang lumabas ng bahay.
Ayon kay Duterte, mahihirapang makamit ng bansa ang herd immunity kung mananatili sa labas ang mga walang bakuna.
Iginiit pa ng pangulo na walang napapaulat na nasawi dahil sa bakuna at wala aniyang basehan ang takot ng mga ayaw mabakunahan kontra COVID-19.
Binigyang diin pa ng pangulo na hindi maaaring mamili ng brand ng bakuna ang mga Pilipino dahil pare-pareho namang epektibo ang kahit anong brand na aprubado ng health officials ng bansa. (Vanz Fernandez)