Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
DAGDAG excitement at kilig ang special participation ng real-life Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa GMA primetime series na ‘Heartful Cafe.’
Inaabangan na ng viewers kung ano nga ba ang magiging papel nila sa buhay nina Heart (Julie Anne San Jose) at Ace (David Licauco).
Komento ng isang netizen, “Ang saya siguro if si Jak and Barbie ‘yung magkatuluyan sa Heartful Cafe.”
Tumutok lang sa nakakakilig na kwento ng ‘Heartful Cafe,’ weeknights, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.
***
Innamorata, muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime
Simula Lunes (May 24), balikan ang kuwentong nagturo na hindi hadlang ang anyo sa tunay na pag-ibig sa pagbabalik ng drama romance fantasy series na ‘Innamorata’ sa GMA Afternoon Prime.
Tampok sa serye si Kapuso actress Max Collins bilang Esperanza, isang dalagang pinagkaitan ng pagmamahal at kabutihan dahil sa kanyang sakit sa balat. Kahit na tampulan ng tukso, nananatiling positibo sa buhay si Esperanza.
Mahuhulog ang loob ng dalaga sa katrabahong si Edwin (Luis Alandy), ang bulag na anak ng may-ari ng factory kung saan siya namamasukan. Nang malaman ito ng tatay ni Edwin ay palalayuin niya si Esperanza at palalayasin din siya ng kanyang adoptive mother sa kanilang tahanan.
Mapapadpad ang dalaga sa isang mansyon na pagmamay-ari ng isang misteryosong lalaki na may kapareho niyang sakit sa balat. Isang gabi ay mapapanaginipan ni Esperanza si Alejandra (Gwen Zamora), isang magandang babae na ituturo sa kanyang hanapin ang mahiwagang kwintas na magbabago ng kanyang anyo.
Tampok din sa serye sina Dion Ignacio, Jackie Rice, Pinky Amador, Michael de Mesa, at Rita Avila. Tutukan ang rerun ng ‘Innamorata’ simula Lunes (May 24), 3:25pm, sa GMA-7.
***
Pauline Mendoza at Liezel Lopez, hanga sa professionalism ng isa’t isa
Patindi na nang patindi ang mga eksena sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ at patunay dito ang pinag-usapang eksena nina Pauline Mendoza at Liezel Lopez.
Talaga namang napahanga ang viewers sa confrontation scene sa pagitan nina Iris (Pauline) at Trina (Liezel) nang magpang-abot sila malapit sa isang water fountain.
Ayon kay Pauline, malaking tulong na kumportable siya sa kanyang co-actor. “I think it’s important bilang actress na you get comfortable with your co-actors, so ‘yun ‘yung nangyari sa amin ni Liezel like naging comfortable kami sa isa’t isa.”
Hanga rin ang Kapuso actress sa pinakitang professionalism ni Liezel sa set, “Working with her, she’s very professional, at the same time, she’s very dedicated to her craft, so hindi talaga ako nahirapan, hindi naman siya napikon.”
Sagot naman ni Liezel ay madaling katrabaho si Pauline, “Actually, for me sobrang dali talaga na makatrabaho si Pau. It’s really easy to work with her at saka napag-uusapan namin ang gagawin namin before the day and siyempre may guidance ang aming director na si Direk Jules Katanyag.”
‘Wag palampasin ang pagtatapos ngayong araw ng Babawiin Ko Ang Lahat, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.