Advertisers

Advertisers

Matinik na babaeng magnanakaw huli sa Maynila

0 261

Advertisers

HINDI na nakapalag pa ang isang babae na tinaguriang number 13 most wanted person nang maaresto ng Sta. Cruz Police Station ng Manila Police District.
Kinilala ang nadakip na si Emma Nagor, 48 anyos, ng Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat, inaresto si Nagor sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 26 dahil sa kasong pagnanakaw kungsaan ilan narin ang nabiktima nito.
Ayon sa report, nakorner ng mga pulis si Nagor habang naglalakad sa kahabaan ng Quezon Boulevard, Sta.Cruz. Kusa namang sumama sa mga pulis ang babaeng magnanakaw. (Jocelyn Domenden)