Advertisers

Advertisers

Rita at Ken mas mature at pinatindi ang mga role sa bagong serye ng Siyete

0 363

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ITINUTURING na ‘best gift’ ni Kapuso actress Pauline Mendoza ang mga aral at payo na natanggap niya mula sa co-actors niya sa pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat.’

Pagkukuwento ni Pauline, marami raw siyang natutunan mula sa kanyang beteranong co-stars na sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia-Lapid, at Gio Alvarez.



Aniya, “Marami akong natutunan from all of them talaga na, “Magpakatatag ka; marami ka mapagdadaanan – good or bad man ‘yan; kailangan mo mag-focus na lang kung ano talaga ‘yung goal mo dito sa industry na ‘to.’”

Lubos na tumatak din daw kay Pauline ang payo sa kanya ni John, na gumanap bilang ama niyang si Victor niya sa Babawiin Ko Ang Lahat. “Sabi nga sa akin ni Sir. John, kung ano man ‘yung pagdadaanan mo pa dito, kasi sabi niya, ‘Marami ka pang pagdadaanan. Six years is just six years, konti pa lang yan’.”

Dagdag pa niya, “Kaya sabi niya, ‘You need to be brave, you need to be strong as an actress, kailangan talaga ilabas mo ‘yung passion mo, mahalin mo ‘yung trabaho mo.”

‘Wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa nalalapit na pagtatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat, 3:25pm, sa GMA-7.

***



HINDI lang sa TV nangunguna ang favorite at always trending na Kapuso Mo, Jessica Soho kundi pati sa online dahil umabot na ito ng 23 million followers sa Facebook!

Dahil dito, ito na ang most followed Filipino TV program sa nasabing social media platform. Hindi na ito nakakagulat dahil patok sa netizens ang viral content nito na laging pinag-uusapan.

With over three million organic interactions including likes, comments, and shares per week, talaga namang overwhelming ang suporta na natatanggap ng KMJS.

At ngayong 2021, mayroon nang higit sa kalahating bilyong views ang mga video ng programa sa FB page nito.

Matatandaang ang KMJS din ang number 1 TV program sa Pilipinas sa kabuuan ng 2020 base sa Nielsen Philippines’ Nutam Ratings.

Congratulations, KMJS!

***

MAS mature at pinatindi na roles ang haharapin ng patok na Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Gaganap sila bilang mag-asawa sa serye. Kuwento ni Ken sa interview ng 24 Oras, “Merong mga pagkakataon na kami ni Rita na sinasabi namin, “O, ganito ‘yung gagawin, iaakyat mo ‘yung legs mo dito.’ Tapos sasabihin ni Rita, ‘ilalagay ko ‘yung kamay ko sa batok mo.’ Bubuhatin ko siya, ihahagis ko siya. Sobrang nakakatuwa lang. Very mature ang role namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa.”

Bukod sa mga problema na haharapin ng kanilang relasyon sa kuwento, matatalakay din sa serye ang ilang mental health issues na tiyak na pupukaw sa interes ng Kapuso viewers.

Tutukan ang pagbabalik ng RitKen sa TV sa ‘Ang Dalawang Ikaw’ na malapit nang mapanood sa GMA-7!