Advertisers

Advertisers

3 Chinese vessels itinaboy ng BFAR sa Sabina Shoal

0 525

Advertisers

ITINABOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)ang tatlo pang barko ng Chinese maritime militia sa Sabina Shoal.
Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), namataan sa lugar ang tatlong barko ng Chinese at hinamon ng BFAR noong Mayo 7 at 8.
Dahil sa mababaw na tubig sa shoal, gumamit ng mga rubber boat ang BFAR upang i-escort ang mga barko ng China palabas ng lugar.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na itinaboy ng mga otoridad ang mga barko ng China mula sa Sabina Shoal na may 130 milya ang layo sa kanluran ng Palawan, na sakop ng 200-mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Matatandaang itinaboy din mula sa naturang lugar ng Philippine Coast Guard at BFAR ang pitong barko ng CMM noong Abril 27 at limang barko ng CMM noong Abril 29.
Tiniyak naman ng NTF-WPS na magpapatuloy ang maritime patrols ng Phil. Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa WPS upang itaguyod ang soberanya ng Pilipinas at karapatan ng bansa sa EEZ.