Advertisers

Advertisers

Rabiya nahulog sa pool sa video shoot, mga hiram na diamond, nailigtas

0 318

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALA naman daw kagustuhan na maganap ang aksidente na pagkakahulog ni Rabiya Mateo, ang pambato ng Pinas sa Miss Universe sa Florida.

Naganap ang nasabing insidente sa video pictorial shoot sa ‘di sinadsadyang pagkahlog ng ating kandidata sa swimming pool.



Suot pa nga nito ang kanyang pink dress with matching hat na gagamitin sa video.

Eto nga raw ang never na makakalimutan ni Rabiya sa nasabing event.

Nagpasalamat naman si Rabiya at okey naman at safe ang mga diamond na kanyang hiniram sa Drake of Luna.

Naku kung nagkawala nga raw ang diamond eh malaking problema at buti na lang kamo at maayos pa rn nakasuot ito kay Rabiya.

Hindi naman nasaktan ang ating kandidata at natatawa na lang sa pangyayari na karanasan na never nito makakalimutan for life.



Gagawin naman ni Rabiya ang lahat para maiuwi ang korona at maging pang limang Miss Universe siya sa ating bansa mula kina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach  at Catriona Gray, si Rabiya na ba ang pang lima?

Abangan ang pakikipagtunggali ni Rabiya para sa crown ng Miss U this coming May 16, 2021 sa Tate at May 17 sa Pinas.

***

KC Concepcion inihayag na fan na fan siya ng  inang si Sharon

SA IG naman ni KC Concepcion ay umamin ito na masugid siyang tagahanga ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Bata pa nga lang si KC noon ay talagang nasubaybayan nito ang takbo ng karera ng ina.

Kaya naman pag-aakyat ito sa stage ay talaga nga raw nawawala ang pagiging anak niya ng Megastar.

Talaga naman hangang-hanga si KC sa kanyang ina kapag aawit na halos lahat ng kanta ay tumanim sa isipan ng anak nina Shawie at Gabby Concepcion.

Natuwa naman si Sharon sa nabasa na post sa socmed ni KC at ngayon lang nito nalaman na Sharonian pala ang anak.

Well, well, well…’Yun na!