Kahit may mga edad na… Gretchen at Ina kapwa peyborit silipan ng mga barako dahil sa kaseksihan; Kim nakakalula ang dami ng mga mamahaling bag
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
KINAGIGILIWAN ang video ni Gretchen Barretto sa Instagram na naka-swimsuit na bukas ang likod habang nagsu-swimming kasama ang nag-iiisang anak na si Dominique Cojuangco.
Ang ganda tingnan ng mag-ina na mistulang magbarkada lang habang vini-video ni Dominique ang kanyang seksi at maganda pa ring ina. Panay ang tawanan ng dalawa. Habang nag-e-enjoy ang mag-ina ay panay biro ni Dominique kay Gretchen dahil suot nito ang kanyang bathing suit. Katuwiran ni Greta ay gusto niya ang bathing suit ng anak dahil bukas ang likod at gusto niya pantay ang pagkaka-tan niya.
Ganoon din si Greta na panay biro rin sa anak na si Dominique na ipakita ang kanyang legs para mas maganda.
Sa edad na 51, marami pa rin ang nagpapantasya kay Gretchen, kasi nga ang ganda at seksi pa rin nito at mukha pa ring bata.
Ang isa pang pantasya ng mga barako at bagets, maging ng mga baguhang artistang lalaki ay si Ina Raymundo. Kasi naman kahit sa edad na 45 ay super seksi pa rin kasi ito na kayang-kayang kabugin ang mga batang actress na madalas mag-swimsuit sa Instagram.
Total package nga raw si Ina dahil bukod sa maganda ang mukha ay materyales fuertes pa rin ang katawan na busog na busog ang dibdib at puwet.
Kaya naman bukod kay Gretchen ay paborito rin silipin ng mga barako ang Instagram ni Ina at game naman kasi ipasilip nito ang kanyang alindog.
Katunayan ang huling photo na ipinasilip ni Ina habang nagse-selfie ay halos dumungaw na ang “flower” ng actress dahil sa sobrang kitid ng tela na tumatakip doon. Kitang-kita na talaga ang kanyang singit.
Well sina Gretchen at Ina nga ngayon ang mandalas na silipan ng mga barako sa Instagram dahil para sa kanila iba pa rin ang alindog ng dalawa.
***
Iba kung magpatawa ang Bubble Gang barkada
Kahit na anong gawing panggagaya ng iba ay wala pa rin tatalo sa pagpapakuwelang ginagawa ng Bubble Gang barkada sa pangunguna nina Michael V, Paolo Contis, Antonio Aquitania, Betong Sumaya, Boy 2 Quizon at ang mga seksing actress na sina Valeen Montenegro, Kim Domingo, Anallyn Barron, atbp.
Kada episode ay pinag-isipan at pinagtalunan ng BG barkada kung anong kuwela na hindi bastos pero nakakatawa ang dating.
Lahat ng cast ay nagbibigay ng kanilang idea ng pagpapatawa at kapag lahat ay sumang-ayon ay kanilang ginagawa sa bawat gag.
Kaya naman hanggang ngayon ay walang pa rin kupas ang mga kakenkoyan ng kongest running gag show sa telebisyon, ang Bubble Gang, every Friday at 10:12 pm sa GMA 7.
***
IPINASILIP ni Kim Chiu ang kanyang mga iniingatang mamahaling bag na koleksyon sa kanyang My Entire Room of Designer Handbag Collection.”
“Nahihiya talaga ako na ipasilip ang room na ito. Baka sabihin mayabang. Pero, dahil most requested niyo, so ipinakita ko na.”
Mistulang nasa store ka ng mga designer bag sa loob ng isang kuwarto, gaya ng Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Prada, Celine, Valentino, Balenciaga, Bottega, Fendi. Burberry, Givenchy, Belladonna at maraming pang iba.
At para mapanatili ang ganda at hindi agad masira o mabakbak ang balat ng mga designer bag ay kailangan naka-aircon ang kuwarto.
Ayon kay Kim, 15 years na raw yung mga bag na inipon niya mula nang pasukin niya ang showbiz. At hindi raw siya nagbabawas ng bag unless may pagbibigyan siyang mahal sa buhay.
“May mga sentimental value kasi sa akin lahat. So, hindi ako nagbebenta,” aniya.
Last year, 2020 lang siya hindi bumili ng kahit isang bag.
“2020, hindi ako bumili ng signature bag dahil hindi naman natin masyadong kailangan `yon. Kasi nga pandemic,” say pa ni Kim.
Pero para kay Kim nasaktan lang ang bulsa niya nang bumili siya ng mga Hermes bag na every 2 weeks ay kailangan punasan at tinutubigan para hindi masira.
Sa dami ng mga designer bag ni Kim, yung iba ay hindi pa nagagamit.