Advertisers
TATLONG drug suspects ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Moriones Police sa Tondo, Maynila.
Target ng operasyon si alyas Anna, 38, residente sa lugar. Nangyari ang transaksyon sa Malaya Street kasama ang isa pang babae at lalaki.
Higit P2,000 halaga ng shabu ang napagkasunduan nila ng poseur-buyer pero nakuha pa sa tatlo ang nasa 150 gramo ng shabu na aabot sa P1 milyong ang halaga.
Kumpiskado rin ang isang kalibre 45 baril na walang dokumento.
Aminado ang 3 na pare-pareho silang walang trabaho.
Ayon sa pulisya, kasama ang mga suspek sa patutulak ng droga na umaabot sa mga parte ng Maynila, Bulacan, Navotas, at Malabon.(Jocelyn Domenden)