Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang vlog, ibinahagi ni Carla Abellana ang kanyang mga sikreto sa unang bahagi ng episode na 10 Things That People Don’t Know About Me.
Ani Carla, hindi raw alam ng karamihan na may white tattoo siya sa paa na hindi nakikita ng mga tao.
Napatungan na raw ito ng reddish tattoo na ipinagawa niya dahil hindi nga siya ganoon ka-visible.
Inamin din niya na kuripot din siya pagdating sa sarili.
Itinuturing naman niyang plus ito dahil nakakaipon daw siya.
Katunayan, kahit daw sa repairs sa bahay, ang kina-canvas daw niya ay iyong pinakamura.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi naman siya nagtitipid pagdating sa mga materyales kung may repairs.
Pero, pagdating daw naman sa pagreregalo sa fiancé na si Tom Rodriguez at sa kanyang mga mahal sa buhay ay magastos siya.
Aniya, nagreregalo raw siya kahit walang okasyon kung feel niya.
Sinabi rin ni Carla na dati ay lamigin siya pero dahil sa kundisyon niyang hypothyroidism ay naging pawisin na siya.
Nakakatagal din daw siya na hindi pumopoo ng isang linggo dahil constipated daw siya.
Mahilig din daw manood ng horror movies pero hindi raw siya makatulog kapag patay ang ilaw o hindi bukas ang TV.
***
PINURI ng netizens si Anne Curtis dahil join na rin siya sa growing number of celebrities na certified plantitos at plantitas.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang isang klase ng halaman na nasa isang sulok ng kanilang sala.
May caption itong : “Cozy nook. Very late to the plantita party. What should I name her? Also tips for care very much welcome. P.S.-I hope I inherited your green thumb mum @carmcurtissmith.”
Nilike naman ng co-host niya sa It’s Showtime ang kanyang post at nagkomento itong “Ganda naman! Welcome to the Plantita party.”
Pinabilib din niya ang iba niyang followers na nagbigay naman ng kani-kanilang bet na pangalan para sa halamang inaalagaan ni Anne na ayon sa isang netizen ay isang fiddle leaf fig.
Suggestion ng isa, since fiddle raw ito, akmang plain and simple Fidel ang maging pangalan nito.
Komento naman ng isang netizen, dahil mahilig daw siya sa Hollywood actresses at para bumagay sa may pagka-sosy personality ng aktres, mas magandang isunod na lang niya sa pangalan ng Hollywood celebrities ang nasabing ornamental plant tulad nina Anne Hathaway, Blake Lively, Cameron Diaz o kayaý Lily Collins.
May nag-suggest naman na gawin na lang itong Azalea.
Dahil humihingi ng tips ang aktres kung paano aalagaan ang nasabing halaman, nagbigay din ng kanilang payo ang mga netizen.
Sey ng isa, huwag daw lulunurin sa tubig dahil sensitibo ang ganitong klase ng mga halaman.
Ito naman ang ilang reaksyon ng ilan niyang followers:
Yetkl: Fiddle leaf figs are so arte haha but ang Ganda once they acclimate. I’m sure mas maarte pa sayo yan 😂😅
Ms ysailogon: “Dont over water and try watering them with rain water instead of tap water, take them outside once in a while 💚
Fiddle Leaf Figs need a lot of natural light and do best when placed directly in front of a window. Water thoroughly about once a week, allowing the top couple inches of soil to dry out before watering again 😊.