Advertisers

Advertisers

Lalaki nakaligtas sa unang gunman, ‘di tinantanan ng isa pa

0 258

Advertisers

KAHIT nakaligtas sa unang bugso ng mga putok ng baril, hindi parin tinantanan ng mga nakamotorsiklong salarin ang kanilang biktima hangga’t hindi nila ito napapatay sa Malolos, Bulacan.
Sa ulat, mapapanood sa kuha ng CCTV sa Barangay Panasahan ang pagtawid ng isang lalaking naka-helmet na bumaba sa kaniyang motorsiklo.
Ilang saglit pa, dumaan ang biktimang nakasakay din ng motorsiklo na kinilalang si Arnulfo Tolin.
Kaagad pinaputukan ng gunman si Tolin na nagtuloy-tuloy sa pag-andar at tila hindi tinamaan.
Pero ilang metro lang ang layo, may isa pa palang gunman ang naghihintay kay Tolin at muli siyang pinaputukan.
Ngunit hindi nila napatumba ang biktima na nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kaniyang motorsiklo.
Ang dalawang gunmen ay kaniya-kaniyang sakay sa kanilang motorsiklo at hinabol si Tolin.
Naabutan ng dalawa si Tolin sa isang bakanteng lote at dito na nagwakas ang buhay ng biktima.
Sa report, nagpaparenta ng mga van ang biktima bilang hanapbuhay.
Sinabi ng mga taga-barangay na walang anumang record si Tolin ng mga reklamo o kinasangkutang gulo.
Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo ng mga salarin, pati ang kanilang pagkakakilanlan.