Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa kanyang vlog na Truth or Dare with Mamita, naging panauhin ni Janine Gutierrez ang kanyang lolang si Pilita Corrales.
Sa kanilang tsikahan, inamin ng Asia’s Queen of Songs na greatest crush niya ang lolo nitong si Eddie Gutierrez.
Sa kaso naman ni Janine, isiniwalat niya na secret crush daw niya noon ay si Matteo Guidicelli lalo na noong panahong kapwa hindi pa sila aktibo sa showbiz.
Nakilala raw kasi niya ang asawa ni Sarah Geronimo sa pamamagitan ng kanyang dad na si Ramon Christopher na isa ring car racer.
Aniya, sobra daw ang kilig niya noon kay Matteo.
Hirit pa niya, wala raw namang dapat ipag-alala si Sarah dahil isa siyang certified Popster.
Tungkol naman sa pag-aasawa, naurot ni Pilita si Janine kung ang boyfriend ba nitong si Rayver Cruz ang lalakeng gusto na niyang pakasalan, sey naman ng aktres wala pa raw sa plano niya ang patali.
Marami pa raw kasi siyang mga pangarap na gustong matupad tulad ng rumampa o mai-represent ang bansa sa mga prestihiyosong international filmfests tulad ng Cannes.
Nasa bucket list din niya ang tumira at mabuhay nang independent sa New York o Los Angeles kahit sa loob ng tatlo o anim na buwan.
Sa naturang vlog, sinampulan din ni Janine ang kanyang lola sa galing nito sa pagra-rap.
Sey naman ng beteranang OPM icon, dapat daw ay karerin din ng apo ang pagkanta.
Si Janine na isa nang Kapamilya ay kasama sa teleseryeng “Marry Me, Marry You” kabituin sina Paulo Avelino, Sunshine Dizon at Jake Ejercito.