Advertisers

Advertisers

Daddy nina Toni at Alex na si Carlito Gonzaga, ginagawan ng isyu ng reporter

0 272

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

PATI ang nananahimik na dating Vice Mayor ng Taytay Rizal na si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na ama nina Toni at Alex Gonzaga ay ginagawan ng issue ng beteranong showbiz columnist na minsan daw ay tinanggihan siya  nang kunin niya sa Fiesta si Toni na inorganized ni Michael Laygo.

Nang i-chat namin si Mommy Pinty Gonzaga ukol sa issue, baka sa panaginip daw nangyari ‘yung tumanggi ang husband niyang si Daddy Carlito at wala raw siyang natanggap na inquiry sa sinasabing kakanta sa fiesta si Toni.



Oo nga naman, si Mommy Pinty ay may hawak ng parehong career ng daughters na sina Toni at Alex kaya sa kanya dadaan kapag may alok sa mga ito.

Kahit na may asawa na sina Alex at Toni ay sa kanilang Mommy pa rin ipinagkakatiwala ang kanilang career. So sana huwag nang idamay pa si Daddy Carlito sa mga ganyang ka-cheapang issue dahil hindi siya nangingialam sa career ng mga anak. Pwera na lang kapag inapi ang mga ito syempre siya ang makakalaban.

***

JC Garcia, 2 Oras Na Ang Online TV Show Sa ATC BEST TV Channel 31-USA

Due to his other committment ay na-cancel ang show ni JC Garcia sa ATC BEST TV Channel 31-USA. International. Pero may good news naman si JC at ‘yung one hour original live Online TV show niya na “JC Garcia Live” ay magiging 2 hours na beginning this May 1 (Saturday) na live na ginagawa sa San Francisco, California sa mismong house ni JC na mapapanood ng 9:00 PM to 11:00 PM (San Francisco local time) at every Sunday from 12:00 Noon to 2:00 PM at Philippine local time. Promise pa ng kilalang Fil-Am Recording Artist/Dancer/TV host ay mas marami siyang surprises sa kanyang viewers, family, and friends na laging nakatutok sa kanyang show. At mas marami raw siyang magiging panauhin na mga local artist, personalities na popular sa SanFo. Ang mga kapwa recording artist na sina Mika Lorie at Lae Manego na host din ng kanilang mga programa sa BEST TV Channel 31 also Ernie Jaylanz na one of the powerful voices in the Philippines ang mga naging special guests ni JC sa kanyang latest episode.



Ilang beses ko nang napanood ang show ni JC at nag-enjoy talaga ako sa husay nito sa pagkanta at pagho-host. Regular din pala niyong mapapanood si JC sa mga upload niyang dance and singing video sa kanyang account sa Tiktok na tiktok.com/jcgarcia1965 at sa Smule na Smule.com/jcciagar930 at siguradong mapapahanga kayo sa kanyang pagsayaw na well choreographed at belting powers sa pagkanta.

***

Santos Siblings LA And Kanishia Santos, Inabangan Sa Episode Ng HaLYKANa Sa FB Pages Ng 7K Sounds

Marami ang bumilib sa performance ng Santos Silblings na sina Kanishia at LA Santos na nag-duet ng Sarah Geronimo hit na “Forever’s Not Enough” sa episode ng bagong show sa 7K Sounds na “HaLYKaNa.” Na-feature rin ang ibang new and famous local solo singers and band group like Tropical Depressions” na sikat  noong 90’s at napanood sila sa Facebook Pages ng 7K Sounds last April 24.

Like her kuya LA ay isa na ring recording artist ng Star Music si Kanishia kaya may mga followers na rin ito na pinanood talaga siya. Ang mga beautiful talent din ng 7K Sounds na sina Princess Visitacion, Janelle Tee, at Michelle Coderas ang host ng said episode na special guests din sina Direk Emman dela Cruz at resident beauty queen na si Ms. Iman Cristal na itinanghal just recently lang na first ever Grand Winner ng Miss KUMU Global Pageant 2021. Siya ang representative ng ating bansa sa said international beauty pageant. Sa mga gustong mapanood naman ang full performance nina LA at Kanishia sa nasabing duet ng Santos siblings ng Forever’s Not Enough,  just click:https//youtube/f2bWuSFBBNU. Ang HaLYKANa ay supported by partners and sponsors like The C.A.B, MESA Filipino Moderne Restaurant-Tomas Morato, Lugawan Ni Tonyo, LG Global, Street Automotive Motech Caloocan, Motech Marikina, and Motech Valenzuela.

Nasa likod din ng tagumpay ng 7K Sounds ang kilalang busineswoman na si Madam Flor Santos.