Advertisers

Advertisers

rHIVda confirmatory testing lab sa Maynila, nabigyan ng license to operate ng DOH — Isko

0 503

Advertisers

GOOD news sa lahat ng residente ng kabisera ng bansa. Binigyan na ng go signal ng Department of Health (DOH) na ng license to operate ang Rapid HIV Diagnostic Algorithm (rHIVda) confirmatory testing laboratory ng Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Ito ang inanunsyo ni Manila sa mga residente hinggil sa pagkakaloob ng DOH ng License to Operate sa naturang laboratoryo.

Ayon kay Moreno, natiyempo ang pagkakaloob ng lisensiya sa laboratory sa ika-11 anibersaryo ng Sta. Ana Hospital noong Abril 28.



Nabatid na ang rHIVda ay siyang itinuturing na gold standard testing para sa sakit na HIV.

“Isa na namang good news mga Batang Maynila. Nagawaran na po ng Department of Health ng License to Operate ang Rapid HIV Diagnostic Algorithm (rHIVda) confirmatory testing laboratory ng Sta. Ana Hospital! Ito po ang Gold Standard testing para sa sakit na HIV,” ayon sa alkalde, sa kanyang Facebook post.

“Isang bagong achievement po ang nakamit ng Sta. Ana Hospital just in time sa pagdiriwang ng ika-11 taong anibersaryo nito, April 28,” sabi ng alkalde.

Kaugnay nito, tiniyak ng alkalde sa mga taga-Maynila na makakaasa silang magpapatuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga medical facilities ng lungsod upang mabigyan ang mga residente ng de kalidad na serbisyong medikal.

Pinasalamatan rin ni Moreno ang director ng Sta. Ana Hospital na si Dra. Grace Padilla dahil sa dedikasyon nito sa trabaho.



“Maraming salamat po sa buong pwersa ng Sta. Ana Hospital sa pangunguna ni Hospital Director Dra. Grace Padilla sa inyong dedikasyon sa trabaho! Advanced Happy Anniversary po sa inyo! ” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)