Advertisers
NASAWI ang isang ama na nagbenta ng lupa nang pagtatagain ng sarili niyang anak sa Solana, Cagayan.
Kinilala ang salarin na si Joel Abogado.
Sa report, nagalit si Joel sa kanyang ama nang ibenta nito ang kanilang lupa kungsaan nagtalo sila na nauwi sa pananaga ng anak sa kaniyang ama.
Isang kapatid ni Joel ang sugatan din nang magtangkang umawat.
Nahaharap sa kasong parricide si Joel.