Advertisers

Advertisers

Top 3 NCR drug suspek swak sa selda

0 324

Advertisers

SWAK sa kulungan ang itinuturing na Regional Top 3 Drug Watchlist at ang top 8 priority drug watchlist nang madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City Lunes ng gabi.
Kinilala ni Quezon City Police District station 3 Talipapa commander PLTCOL. Cristine Tabdi ang mga nadakip na sina Darwin Diaz, 27 anyos, Top 3 Priority Drugs Watchlist, at residente ng A-034 Sinagtala Street, Barangay Bahay Toro, QC; at Berna Quinones, Regional Top 8 Priority Drugs Watchlist, 32 anyos, online seller at nananinirahan rin sa naturang lugar.
Ayon kay PAT. Jordan Barbado officer on case nadakip ang mga suspek, 10:45 ng gabi Abril 26, 2021 (Lunes) sa kahabaan ng Sinagtala Street, Brgy. Bahay Toro, QC.
Sa ulat, naglunsad ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Darwin Pua laban sa mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang may 12 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at may street value na P68,000.00.
Kasalukuyan ngayong nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 na mas kilala sa Comprehensive Dangerours Drug Act 2002. (Boy Celario)