Advertisers

Advertisers

OPISYAL NG BANGKO AT ASAWA KULONG SA ‘JUMPER’

Babala sa nagnanakaw ng kuryente:

0 4,862

Advertisers

KALABOSO ang wanted na mag-asawang Nicasio, 43 anyos, at Ma. Carlota Yuson, 40, matapos maaresto sa Ignacio St., Barangay Daang Hari, Navotas City nitong Lunes ng gabi (Abril 26, 2021) sa krimeng pagnanakaw ng kuryente.

Dala ang ‘warrant of arrest’, agad nadakip si Nicasio sa gate ng tinitirhan nito at sumunod naaresto ang asawa si Carlota.

Nagpakilalang marketing officer ng BDO ang babaeng Yuson, samantalang wala namang trabaho ang mister nito.



Ang mag-asawang Yuson ay may tig-dalawang warrant of arrest sa paglabag sa ikalawang seksyon ng Republic Act 7832, Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/ Materials Pilferage Act of 1994.

Nilalayon ng nasabing batas na bigyang katarungan ang mga tapat na nagbabayad ng buwanang kunsumo ng kuryente sa pamamagitan ng pagsupil o pagpigil, paghuli at pagpapataw ng multa at pagkabilanggo ng mga magnanakaw ng kuryente.

Dalawang beses nahuli ng Meralco ang mag-asawa sa akto ng “pagnanakaw” ng kuryente maliban pa sa hindi pagbabayad ng mga ito ng kanilang bill.

Napag-alaman ng mga service crew ng Meralco na hindi dumadaan sa metro ng kuryente ang kanilang tinitirhan kaya pinutulan sila ng kuryente at sinampahan ng kaso. Agad ikinabit naman ng mag-asawa ang mga iligal na linya kahit hindi pa nababayaran at naayos ang unang kaso.

Kung mako-convict ang mag-asawa ay maaari silang mahatulan ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon pagkakakulong maliban pa sa mga multang itatakda ng korte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">