Advertisers
UPANG matulungan binisita ng outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go ang Toril District sa Davao City nitong nakalipas na Biyernes, Abril 23 para bigyang tulong ang mga pamilya na napinsala ng sunog ang kanilang mga tahanan tatlong araw na ang nakalilipas.
Base sa press statement ni Sen. Go ang grupo ay nagbigay ng tulong sa may 42 pamilya ng pagkain, financial assistance, food packs, vitamins, mask at face shields sa Barangay Binugao Gym. Ang mga napiling benipisaryo ay tumanggap ng pares ng sapatos, bisekleta para sa kanilang pangangailangan na masasakyan para sa mga bata na nagsisipag-aral para sa blended learning at naglagay ng computers tablets.
“Nabalitaan ko na nasunugan kayo. Ano man ang pinagdadaanan natin ngayon, ang importante buhay tayo. Ang gamit, pwede natin ‘yang bilhin at ang pera, pwede natin kitain. Pero ang buhay ay hindi mabibili ng perang ating kikitain,” pahayag ni Go sa mga nasunugan.
“Huwag kayong mag-alala dahil uunahin namin palagi ang inyong kapakanan. Handa kaming tumulong sa oras ng inyong pangangailangan,” diin pa ng senator.
Samantala ang mga personnel mula sa iba’t ibang national agencies ay hiwalay din nagbigay ng kanilang tulong at ayuda para matulungan ang mga residente upang maibsan ang epekto ng Covid-19 dulot ng pandemya.
Kaugnay nito ang Department of Health ay nagbigay ng hygiene kits habang ang Department of Social Welfare and Development ay hiwalay na nagbigay ng financial assistance sat food packs.
Nag-alok din ang Technical Education and Skills Developlent Authority ng scholarship grants at livelihood training courses para sa mga kuwalipikadong benepisaryo .
Habang ang Departments of Labor and Employment, at Trade and Industry ay umaisiste sa mga residente para sa kanilang employment and livelihood programs, na pangangailangan.
Nangako rin ang Presidential Commission for the Urban Poor na magsasagawa ng mga serye ng social preparation activities, kabilang ang konsultasyon at seminars, para sa mga apektadong pamilya. (Boy Celario)