Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,109 gumaling; 63 nasawi; 7,204 bagong kaso

0 273

Advertisers

BAHAGYANG bumaba ang naitalang bagong bilang ng kaso ng coronavirus disease matapos ang 7,204 na karagdagang kaso na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Abril 27.

Dahil dito, pumalo na sa 1,013, 618 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala ay mayroon namang naitalang 10,109 na gumaling at 63 na pumanaw.



Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (71,675) ang aktibong kaso, 91.3% (925,027) na ang gumaling, at 1.67% (16,916) ang namatay.

Ayon sa DOH, ang mababang naitalang kaso ay dulot ng hindi pagsumite ng kanilang datos ng 22 laboratoryo noong Linggo, Abril 25. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)