Advertisers

Advertisers

WARSHIPS NG PINAS SUGOD NA SA WPS

0 330

Advertisers

IDINEPLOY na ng Pilipinas ang kanilang naval at air assets sa Palawan malapit sa kinaroroonan ng mga militia vessels ng China na sumasakop sa exclusive economic zone (EEZ).

Ayon sa National Task Force on the West Philippine Sea, ang mga barko ay kinabibilangan ng BRP Miguel Malvar, BRP Magat Salamat, BRP Emilio Jacinto, BRP Apolinario Mabini, BRP Dagupan City, BRP Ramon Alcaraz at BRP Tarlac.

Ang nasabing mga barko ay magiging back-up ng BRP Cabra at BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard.



Bukod sa nasabing mga barko ay mayroong limang eroplano mula sa Philippine Air Force at Philippine Navy ang nasa Palawan para magsagawa ng aerial patrols.

Inaasahan naman darating din sa lugar ang BRP Mangyan at ang bagong BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna.

Matatandaang naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest sa China dahil sa presensya ng mahigit 200 na barko ng China na humimpil sa Julian Felipe Reef.