Advertisers

Advertisers

Nakabili na ng lupa… Jak magpapatayo na ng bahay para sa kanila ni Barbie

0 345

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

WALA nang makapipigil pa kay Jak Roberto sa pagpapatayo ng magiging bahay nila ni Barbie Forteza.

Sa vlog na in-upload ni Jak last April 16, ipinakita niya sa kanyang subscribers  ang  biniling lote na malapit  lang sa tirahan ng kapatid na si Sanya Lopez.



“Bumili na po ako ng lupa, finally, and today po yung  transaction namin. Naayos ko na rin  sa bangko kahapon. Ganun pala yun `no, kapag  bibili  ka kailangan  mo  muna  i-meet  yung  seller  through broker.

“Yung broker  ko, nagpapahanap  ako ng lupa, then, may nakita siya  dun lang din sa lugar ni Sanya.Then nung nakita niya na  `yon, in-advise niya ako ko  then after  no`n  nag-request  ako ng meeting dun sa seller  kung malinis  yung  papel  and  walang problema.”

Naging masinop kasi si Jak sa kanyang kinikita sa showbiz at sa mga na-monetize niyang vlog sa YouTube.

Kaya raw siya nag-invest sa pagbili ng lupa ay tumataas daw ang value ng lupa. At nasa bucket list din daw ng Kapuso actor ang maka-acquire  ng property.

“Lahat naman tayo  nangangarap  na magkaroon  ng property. Isa `to  sa  mga bucket  list ko na someday  uunahin  ko talaga  kumuha ng lupa and magbi-build  ako  ng  sarili  kong bahay. Gusto ko ako talaga yung  magpapatayo.”



***

Gabbi Garcia nagtayo na rin ng community pantry

Marami ang natuwa nang magtayo na rin ng  community pantry si Gabbi Garcia sa kanilang lugar sa BF Northwest, Paranaque City.

Makikita sa  ipinost  niyang larawan ang pantry na may nakalagay na mga gulay, de lata, bigas, mineral water, noodles at iba pa.

Mababasa rin ang sikat nang sign na ngayon na, “Magbigay  ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.”

Sa caption ay nagpasalamat  si Gabbi sa lahat ng nag-donate.

“Posting  this  with  nothing  but  pure and good  intentions. This is to  inspire everyone  that  despite of  the situation, we  can all help  each  other  in  our  own  little  way.

“Thank  you  to our  small community  for making  this  possible! Thank  you  also  to  everyone who stopped  by  to  drop their  donations. May God bless  you more!

“To all the community pantries, SALAMAT  SAINYO!!! Keep going! God bless your  pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” caption ni Gabbi.

Dahil  nasa loob ng subdivision at limitado ang puwedeng makapasok  na hindi  residents  ng subdivision ay nakasulat ang, “Libreng gulay  para  sa ating  mga security guards, kuya riders, construction workers.”

Bukod sa iba`t ibang gulay, canned goods, noodles, rice, bottled water, may pa-ice cream  din si Gabbi. Kinontrata nila ang vendor ng dirty ice-cream  na natulungan din nila dahil hindi na nito kailangan mag-ikot  para maglako. Nakapark  na lang siya sa tabi ng community pantry hanggang sa maubos ang ice-cream.

Well, mga kabarkada, sigurado ang ginagawang pagtulong at pagtatayo rin ng cummunity pantry ni Gabbi ay walang halong pamumulitika at sigurado rin na hindi siya papayag na magamit ng mga komunista at mga kalaban ng gobyerno na hangarin ay wasakin ang katahimikan ng bansa.

Huwag sana tayong palinlang sa mga hayop na kalaban ng gobyerno na kunwari ay nagtatag ng community pantry para makatulong sa mga kababayan natin. Pero ang totoong hangarin nila ay manghikayat ng mga tao para sumama sa kanilang katarantaduhang adhikain.

***

KC  lumayas na sa condo, titira sa totoong bahay

Habang nagpi-pizza at wine  ay napag-isip ni KC Concepcion na bitawan o lisanin na ang pagtira sa condo at tumira sa totoong bahay.

“This  was the moment  I  decided  to  move out  of my condo and try  living  in  an  actual  house. Yup, I`m  moving! ( please don`t  ask  me  where to for  security  reasons).

“All  I  know  is,  some  good  decisions come  from  the most  unexpected ( unguarded ) moments…as for me, my  enlightenment  came from pizza and  a glass  of  wine,” post ni KC.

Karamihan ng friends ni KC ang natuwa dahil titira na siya sa totoong bahay na siyang pinaka-ideal na tirahan.

Lovelife ay masaya naman si KC at kahit anong mangyari ay lagi siyang masaya dahil nandiyan ang kanyang magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang desisyon sa buhay.