Advertisers

Advertisers

Derek inamin, hiniwalayan si Andrea sa telepono

0 279

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NANG magkahiwalay sina Derek Ramsay at Andrea Torres, tikom ang dalawang kampo sa totoong rason ng kanilang hiwalayan.

Pahayag na lang noon ni Derek na mutual ang naging desisyon nila ni Andrea at walang third party concerned umano.



Marami tuloy nabuong haka-haka tungkol sa kanilang breakup lalo pa’t tulad ng ibang showbiz relationships, tila hindi rin ito nagkaroon ng closure.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa panayam sa kanya ng beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin sa programa nitong Cristy Per Minute, inamin ni Derek na siya mismo ang nakipaghiwalay sa Kapuso sexy actress.

Ito ay dahil umano sa malaking pagkakaiba sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan at pinapahalagahan.

Hindi naman umano niya sinasabing mali ang paniniwala ni Andrea at gayundin ang kanya ngunit magkaiba ang kanilang kinalakihang paniniwala at hindi na umano nila gustong baguhin ang paniniwalang iyon.

Pagbubunyag pa niya, pinanghihinayangan niya na hindi niya personal na nakausap si Andrea nang maghiwalay sila.



Sa telepono lang kasi sila nagkausap nang mapagpasyahan nilang tapusin ang kanilang humigit-kumulang na dalawang taong relasyon.

“So, ako yung nakipagkalas. Sa phone po namin… ‘yon lang yung siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. Actually, dapat magkikita kami noon, ang nangyari, it came up over the phone, pero with no disrespect. Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed also,” paliwanag ni Derek.

Tulad ng nauna na niyang pahayag, wala raw kinalaman ang kanyang fiancée na si Ellen Adarna sa breakup nila ni Andrea dahil dumating ang Cebuana actress pagkatapos na magkahiwalay sila ng una.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias. Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen.

Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.