Advertisers
ITINUTURING ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate bilang isang uri ng “People Power” sa harap ng pandemya ang mga nagsulputan na community pantries.
Pahayag ito ni Zarate sa kabila ng red-tagging at napaulat na profiling ng mga pulis sa mga organizers at volunteers ng mga itinayong community pantries sa bansa.
Nagpapakita lamang aniya na gustong i-hijack ng mga nasa likod ng red-tagging ang tunay na layunin ng mga community pantries.
Para kay Zarate, “premeditated” ang mga nangyayaring red-tagging para pagtakpan ang “negligence” ng national government sa COVID-19 pandemic response nito.
Nitong Miyerkules, naghain ng resolusyon sina Zarate kasama ang iba pang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara para paimbestigahan ang red-tagging sa mga umano’y police profiling sa mga organizers at volunteers ng mga community organizers.