Advertisers

Advertisers

Community pantry sa Laguna school supplies ang ipinamimigay

0 229

Advertisers

KUNG libreng pagkain ang maaaring makuha sa mga community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, iba naman ang ipinamamahagi ng tinawag na “community pantry for education” sa bayan ng Siniloan, Laguna.
Libreng school supplies ang ibinibigay dito ng Sangguniang Kabataan (SK) ng bayan, tulad ng mga ballpen, lapis, pantasa, ruler, pambura, envelope, at notebook.
Nagbibigay din ng face mask ang “pantry” na matatagpuan sa tapat ng Siniloan Integrated National High School sa Barangay Wawa.
Ayon sa SK ng Siniloan, paraan nila ito upang makatulong sa mga batang naapektuhan ang pag-aaral dahil sa COVID-19 pandemic.
Bukod sa libreng school supplies, may libreng serbisyo rin tulad ng pagpapa-print at photocopy.
Para sa grupo, bukod sa pagkain ay essential din ang edukasyon.
Tumatanggap ang grupo ng donasyong lapis, papel, notebook, pambura at iba pang school supplies.
Dahil sa COVID-19 pandemic, sa bahay muna nag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga printed at digital module, online class, telebisyon at radyo.